Aguirre, pinaiimbestigahan ang tumakas na 70 illegal Chinese workers
Pinaiimbestigahan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang pagtakas ng 70 illegal Chinese worker na kasama sa mahigit isang libong mga ilegal alien na naaresto mula sa Fontana Resort noong nakalipas na linggo.
Mula sa 70 tumakas, sinabi ni Aguirre na 26 na lamang ang at-large dahil marami ang bumalik matapos mamagitan ang isang Chinese consul.
Ayon kay Aguirre, pinagpapaliwanag na niya ang mga miyembro ng NBI at tauhan ng BI na natakasan.
Sa panig naman ng BI, sinabi ni Spokesperson Antonete Mangrobang na malugod na tinanggap ni commissioner ang atas na imbestigasyon.
Katunayan, maging ang mga opisyal sa Chinese embassy ay nagalit din sa nangyaring pagtakas lalo pa’t lahat naman ay ginagawa para mapabilis ang pagproseso ng kanilang deportation cases.
Sinabi pa ni Mangrobang na pinag-aaralan ng kanilang legal division ang insidete para matukoy kung mahaharap baa ng mga tumakas sa karagdagang reklamo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.