Wagi ang La Salle Green Archers kontra Ateneo Blue Eagles sa Game 1 ng best-of-three series ng 2016 UAAP men’s basketball championship sa Mall of Asia Arena sa iskor na 67-65.
Sa unang bahagi ng laro, lamang ang DLSU at umarangkada ang ADMU sa ikalawang bahagi upang maabutan ng puntos ng La Salle.
Sa huling tatlumpung segundo ng laro, nakaungos ng isang puntos ang Blue Eagles ngunit hindi pumayag si La Salle Team Captain Jeron Teng at pinanalo ang laro sa huling 3-point shot nito.
Ngunit bwelta ni Ateneo head coach Tab Baldwin, nagkaroon ng body contact sa huling tira ni Teng na hindi tinawag ng referees.
Umasa aniya ito na babaguhin ang naging desisyon ng mga referee dahil aniya, posibleng nabago pa sana ang standing ng laro.
Samantala, paghahandaan aniya nang mabuti ng Blue Eagles ang Game 2 upang mapahaba ang serye kontra La Salle.
Para naman kay Green Archers head coach Aldin Ayo, malaki ang posibilidad na maibalik ang championship trophy kung patuloy ang nasimulang magandang performance, ball movement at team play ng mga manlalaro.
Magaganap ang Game 2 ng champhionship series sa Miyerkules, December 7 sa Smart Araneta Coliseum.