1 patay, 2 sugatan sa isang grenade blast sa Tuguegarao City

By Angellic Jordan December 04, 2016 - 09:45 AM

conner apayaoIsa patay habang dalawa naman ang sugatan matapos sumabog ang isang granada sa Tuguegarao City kagabi.

Batay sa ulat, nangyari ang pagsabog sa bahay ni Conner, Apayao Mayor Leonardo Dangoy sa bahagi ng Barangay Caritan Norte sa nasabing lungsod bandang alas siyete y medya ng gabi.

Kinilala ang patay na si Dungi Pelic, tagaluto ng pamilya Dangoy habang sugatan naman ang anak at apo ng alkalde na sina Omar at Aiza.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa motibo ng responsable sa naturang pag-atake.

TAGS: Apayao, Conner, grenade blast, Mayor Leonardo Dangoy, Tuguegarao City, Apayao, Conner, grenade blast, Mayor Leonardo Dangoy, Tuguegarao City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.