Ayon kay Dr. Bernard Sese, head ng health unit ng city health department, na nakipag-ugnayan na sila sa Food and Drug Administration (FDA) na imbestigahan ang naturang sitwasyon.
Kaugnay nito, ang sample ng pakete ng gamot na natanggap ng mga residente ay naipadala na rin sa FDA para sa laboratory testing.
Dagdag pa ni Sese na ang naturang mga gamot ay naka-stapler lang para maisara ang naturang balot nitong transparent plastic bags.
Sinabi ni Sese na ang ipinamamahaging gamot ay hindi tama ang pagkaka-label ng pakete dahil hindi nakasaad dito ang tamang brand name o generic name, timbang sukat at expiration date ng nilalaman nito.