Libreng gamot na walang label sa Makati, iimbestigahan

By Rod Lagusad December 04, 2016 - 06:06 AM

makati-city-mapIimbestigahan ng city government ng Makati ang libreng unlabeled at repacked drugs o gamot na pimamimigay sa lungsod dahil sa maari nitong dalang panganib sa kalusugan ng mga tao.

Ayon kay Dr. Bernard Sese, head ng health unit ng city health department, na nakipag-ugnayan na sila sa Food and Drug Administration (FDA) na imbestigahan ang naturang sitwasyon.

Kaugnay nito, ang sample ng pakete ng gamot na natanggap ng mga residente ay naipadala na rin sa FDA para sa laboratory testing.

Dagdag pa ni Sese na ang naturang mga gamot ay naka-stapler lang para maisara ang naturang balot nitong transparent plastic bags.

Sinabi ni Sese na ang ipinamamahaging gamot ay hindi tama ang pagkaka-label ng pakete dahil hindi nakasaad dito ang tamang brand name o generic name, timbang sukat at expiration date ng nilalaman nito.

 

TAGS: Food and Drug Administration, laboratory testing, Makati, unlabeled and repacked drug, Food and Drug Administration, laboratory testing, Makati, unlabeled and repacked drug

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.