Professor, patay matapos saksakin ng isang estudyante sa University of Southern California
Sinaksak ng isang estudyante ang isang Psychology professor sa University of Southern California (USC) sa Los Angeles hanggang sa mamatay ito nang dahil sa alitan ayon sa mga otoridad.
Ayon kay Los Angeles Police Officer Meghan Aguilar, napatay ang nasabing professor sa Seeley G. Mudd building sa loob ng campus ng USC.
Dagdag pa ni Aguilar isang lalaking estudyante ang inaresto matapos dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente kung saan hindi pa pinapangalan ito.
Sinabi rin ni Aguilar na hindi malinaw kung sino ang tumawag ng pulis dahil aniya wala sa professor at estudyante ang tumawag.
Kinilala ni USC President C. L. Max Nikias ang namatay na professor na si Bosco Tjan, na sa na simulang magtrabaho sa USC noong 2001, na nagturo Dornsife College of Letters, Arts and Sciences at nagsilbing co-director ng Dornsife Cognitive Neuroimaging Center.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.