Online petition, isinagawa para mapanatili ang Rizal Memorial Sports Complex
Isinusulong ang isang online signature campaign para mapanatili ang Rizal Memorial Sports Complex kasunod ng mga balitang binabalak ni Manila City Mayor Joseph Estrada na gawin itong isang mall.
Ang Change.org petition na “Save Rizal Memorial Sports Complex” ay humihiling sa pamahalaan partikular kay Pangulong Rodrigo Duterte at Estrada na imbes na i-demolish ang complex ay i-improve na lang ito.
Kaugnay nito umabot na sa 6,419 na mga pirma ang natanggap ng naturang petisyon.
Nakasaad sa petisyon na ang Rizal Memorial Stadium, Coliseum at natitirang bahagi ng complex ay isang maituturing na architectural at historical gem dahil sa disenyo nitong Art Deco style, sa mga naidaos na ibat-ibang international matches dito at sa patuloy na pagsisilbi nito bilang functioning at international class sports facility.
Naitayo ang naturang complex noong 1934 na naging saksi na sa naganap na giyera, sa naging pagtatanghal ng The Beatles at napakaraming sporting events tulad ng Asian Games at Southeast Asian Games.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.