Bilang ng mga namamatay na drug suspects, umabot na ng mahigit 2,000

By Rod Lagusad December 04, 2016 - 06:56 AM

pnp1Aabot na sa mahigit 2,000 drug suspects ang napapatay at habang hindi naman baba sa 38,000 ang naaresto ng pulisya sa mga anti-drugs operations magmula ng July 1 ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa pinakabagong datos ng Project Double Barrel Alpha, nasa 2, 028 drug suspects na ang napatay at nasa 38, 999 ang naaresto sa 37,626 operations na isinagawa magmula ng July 1.

Sa ilalim ng Oplan Tokhang, sinabi ng PNP na nasa 834,487 drug personalities ang sumuko na kung saan ay nasa 62,531 ang pushers at 771,956 naman ang users.

Kaugnay pa nito, nasa 4,473,805 na mga kabahayan na ang nabista sa ilalilm ng Project Tokhang simula July 1.

Habang nasa 17 pulis naman ang napatay at 47 iba ang nasugatan sa mga isinagawang anti-drugs operations.

 

 

TAGS: anti-drugs operations, Oplan Tokhang, Philippine National Police, Project Double Barrel Alpha, Project Tokhang, anti-drugs operations, Oplan Tokhang, Philippine National Police, Project Double Barrel Alpha, Project Tokhang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.