Duterte, pinaghahanda ang mga Pilipino sa banta ng terorismo

duterte san bedaKasabay ng pagbabanta ng Maute group na pupugutan nito si Pangulong Rodrigo Duterte at ang militar, ay nagbigay ng babala ang pangulo sa publiko sa banta ng terorismo.

Sa talumpati ni Duterte sa closing ceremony ng motorcycle riding course ng Highway Patrol Group sa Davao City, sinabi nito na may kakaharapin ang bansa na seryosong problema bukod sa droga.

Binigyang-diin ng pangulo na dapat maging handa ang Pilipinas sa banta ng terorismo sa susunod na dalawa o tatlong taon.

Dagdag pa ni Duterte, dapat manatiling mapagbantay ang pulisya at militar sa mga aktibidad ng mga terorista.

Kaugnay ito ng ginawang pagkubkob ng Maute goup sa lumang munisipyo at nasa 85 o 95 perecent ng bayan ng Butig sa Lanao Del Sur.

 

 

Read more...