P1.5B infrastructure projects, nakalaan sa Bataan
Aabot sa 1.5 billion pesos na infrastructure projects ay itatayo sa susunod na taon sa 2nd District ng lalawigan ng Bataan mula sa budget allocation ng Kongreso.
Ayon kay Bataan 2nd District Rep. Joet S. Garcia, ang nasabing halaga ay ang pinakamalaking nailaan sa distrito kung saan mas malaki sa budget ng District 1 sa susunod na taon.
Kaugnay nito, hindi pa rin kuntento si Garcia dahil aniya napakaraming proyekto pa ang dapat matapos sa probinsya bilang bahagi ng tinawag na “barangay master plan” program.
Sinabi ni Garcia na ang nakalaang pondo sa kanilang distristo ay maliit pa kumpara sa Iloilo.
Binigyang-diin ni Garcia na gagamit ang naturang pondo sa bawat barangay ng District 2 ay mabibigyan ng infrastructure projects.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.