Ang naturang play ay base sa popular na karaker ni J.K. Rowling na si Harry Potter ay pinaplanong mag-debut sa Lyric Theater sa Broadway na kung saan sasailalim sa multi-million-dollar revamp dahil sa elaborate production nito.
Ang Lyric Theater ay isa sa pinakamalaking venue sa Broadway dahil aabot ang kapasidad nito sa 1,900 seats na pinagdausan na ng mga theatrical productions na “Chitty Chitty Bang Bang” noong 2005 at “Spider-Man: Turn Off the Dark” mula 2010 hanggang 2014.
Kaugnay nito para sa preparasyon sa nasabing play ay sasailalim sa remodeling na siyang bahagyang magbabawas ng bilang mga upuan sa 1,500 para sa makuha ang the dramatic look at feel ng nasabing play.
Ang “Cursed Child” ay sold out sa London’s Palace Theater hanggang taong 2018 pero inaasahan na maglalabas pa ng karagdagang mga ticket sa January.