Death Penalty, hindi sagot sa kriminalidad ayon kay VP Robredo
Naniniwala si Vice President Leni Robredo na hindi sagot ang death penalty para masugpo ang krimen sa bansa dahil sa mismong justice system meron ang bansa.
Binigyang diin ni Robredo ang pagresolba sa ugat ng problema sa pamamagitan ng pagbibigay ng solusyon sa kahirapan at pagpalakas ng justice system.
Ayon kay Robredo, tungkulin ng gobyerno ang pagrespeto sa buhay ng bawat isa kahit na ang napatunayang nagkasala sa batas.
Sinabi ng pangalawang pangulo na dapat bigyan ang bawat tao ng “second chance” sa kanilang buhay.
Dapat aniyang ma-rehabilitate ang mga convicted na kriminal at mabigyan ng pagkakataon para sa reintegration.
Ipinaliwanag din ni Robredo na kriminalidad ay isang problema na nangangailangan ng maraming solusyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.