Malaking bahagi ng Bohol nawalan ng suplay ng kuryente

NGCP-tower (1)
Inquirer file phto

Maraming mga negosyo sa Tagbilaran City sa Bohol ang hindi nagbukas dahil sa naranasan na 13 oras na black out sa lungsod.

Ang province-wide na power outage ay nagsimula kaninang alas kwatro ng madaling at inaasahang tatagal hanggang mamayang alas-singko ng hapon.

Ayon kay Betty Martinez, Public Affairs Officer of National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)-Visayas ang kawalan ng kuryente ay dulot ng pagkukumpuni sa pinagkukunan ng kuryente ng lungsod sa Leyte.

Partikular dito ang maintenance operation sa Project 2 ng Ormoc-Maasin 138-Kilovolt line.

Ang normal na operasyon ay nabatid na ibabalik oras na makumpleto ang pagkukumpuni sa nasabing pasilidad.

Tiniyak naman ng NGCP na sapat ang supply ng kuryente sa iba pang panig ng bansa.

Read more...