Dagdag na ruta para sa P2P bus service inihahanda na ng DOTr

By Rod Lagusad December 03, 2016 - 05:13 PM

P2P-FB-Photo-2
Inquirer file photo

Ikinukunsedera ng Department of Transportation (DOTr) ang pagdadagdag ng ruta para sa premium point-to-point (P2P) bus service at paghikayat sa mga bus operators na mag-venture dito kasabay ng paglakas ng suporta ng mga commuters.

Ilan sa mga pinapanukalang ruta sa susunod na taon ay ang: LRT Line 2 Santolan Station to Masinag Antipolo

LRT Line 2 Santolan Station to Cainta/Taytay

LRT Line 2 Santolan Station to Cogeo/Padilla

LRT Line 2 Santolan Station to Antipolo town proper

Caloocan to Makati

Marikina to Ortigas

Marikina to Makati

Antipolo to Ortigas

Antipolo to Makati

Cainta to Makati

Sucat to Makati

Bicutan to Makati

Alabang to Bonifacio Global City (Taguig)

Nuvali (Sta. Rosa, Laguna) to Makati

Ayon kay DOTr Spokesperson Cherie Mercado, pinaplano nila na magbukas pa ng mas maraming P2P bus routes para sa bidding ng mga private sector.

Paliwanag ni Mercado na kailangan lang kumuha ng prangkisa mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para makapag-manage ng P2P Bus Service.

Kaunay nito dapat ang mga P2P bus fleets ay dapat pasok sa Euro 4 or Euro 5 emission standards, may entry at exit doors para sa mga taong may kapansanan, nakakatanda at sa mga buntis, dapat may wifi at hindi bababa ang bawat unit sa limang taon ang edad.

Kasalukuyang nag-o-operate ang P2P buses sa mga rutang: Trinoma to Glorietta 5 (24 hours), SM North EDSA to SM Megamall (24 hours), Alabang Town Center to Greenbelt 1, Robinsons Galleria to Park Square Fairview pauntang Makati City.

TAGS: bus, dotr, mercado, p2p, bus, dotr, mercado, p2p

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.