Panibagong Anti-Marcos at Anti-Duterte rally kasado na
Kasabay ng paggunita sa International Human Rights Day sa December 10 ay ikinakasa ang panibagong protesta kaugnay pa rin ng biglaang paglilibing kay Dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).
Nanawagan ang Campaign Against the Return of the Marcoses to Malacanang (CARMMA) sa mga kabataan naitaguyod ang kahalagahan ng kasaysayan at hustisya sa isang grand assembly kasunod ng mga protestang isinagawa sa Luneta at sa People Power Monument sa Edsa.
Inakusahan ng CARMMA si Pangulong Rodrigo Duterte sa pakikibagsabwatan sa mga Marcoses sa pagkukubli ng mga krimen nito.
Ayon sa CARMMA, ang naturang sabwatan ay banta sa mga ipinaglalaban ng mga naging biktima ng Martial Law at taliwas sa sinasabing pagbabago ng Duterte Administration.
Ang naturang grupo ay tumulong din sa pag-organisa ng protesta na isinagawa sa Luneta noong November 25.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.