Bilang ng mga Pinoy na nagninigarilyo bumaba na

By Rod Lagusad December 03, 2016 - 04:24 PM

yosi
Inquirer file photo

Aabot sa 8 milyong mga Pinoy na ang tumigil sa paninigarilyo dahil sa pagbaba ng suplay nito kasunog ng pagtataas ng excise tax sa mga sigarilyo.

Bumaba sa 23% ang smoking prevalence rate noong 2015 mula sa 31% sa nagdaang apat na taon na siyang panahon kung saan bago pa ipinatupad ang Republic Act 10351 na siyang nagpataw ng dagdag na buwis sa yosi.

Ayon kay Philippine Society of General Internal Medicine President Antonio Miguel Dans,  kahit malaki na ang bilang ng mga tumigil sa paninigarilyo ay marami pa ang dapat gawin.

Sa kanilang pagtataya, madaragdagan pa ng 2 milyon ang bilang ng mga titigil sa naturang bisyo sa oras na maipatupad na ang unilateral bracket ng naturang batas ngayong taon.

Kaugnay nito, mula taong 2012 hanggang 2015, bumaba ng 25.9% ang average supply ng tobacco sa merkado. Noong taong 2014 ang may pinakamalaking pagbaba na nasa 19.4% ayon sa record ng grupo.

TAGS: doh, Philippine Society of General Internal Medicine, smoking, doh, Philippine Society of General Internal Medicine, smoking

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.