Anti-illegal drugs campaign ni Duterte suportado ni Trump

By Den Macaranas December 03, 2016 - 11:45 AM

trump-duterte
inquirer file photo

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na suportado ni U.S President-elect Donald Trump ang kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.

Kagabi ay inabot ng halos ay walong minuto ang pag-uusap nina Duterte at Trump sa telepono.

Sinabi ni Duterte na hindi lang suportado kundi iginagalang pa ni Trump ang anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan bilang isang malayang bansa.

Inimbitahan rin ng pangulo si Trump na pumunta sa gaganaping 2017 ASEAN Summit na gaganapin sa bansa.

Bilang tugon ay sinabi ng incoming U.S president na inimbitahan rin niya si Duterte na pumunta sa White House sa susunod na taon.

Sinabi pa ni Duterte na naniniwala siyang magiging maayos na lider ng kanilang bansa si Trump.

Inilagay naman ni Presidential Special Assistant Bong Go sa kanyang Facebook account ang kanyang selfie kasama si Duterte habang kausap si Trump sa telepono.

TAGS: duterte, Illegal Drugs, trump, u.s president, duterte, Illegal Drugs, trump, u.s president

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.