VIP treatment sa dating hepe ng CIDG 8 bubusisiin ng Senado

By Den Macaranas December 03, 2016 - 08:39 AM

Duterte-bato
Inquirer file photo

Pagpapaliwanagin ni Sen. Ping Lacson, Chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs si Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa.

May kaugnayan ito sa ginawang pag-alis sa PNP restrictive custody na nauna nang ipinataw sa sinibak na pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 na si Supt. Marvin Marcos.

Kahapon ay inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na iniutos niya na ibalik sa pwesto si Marcos bago naganap ang pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. sa loob ng Baybay City sub-Provincial Jail.

Ipinaliwanag ni Duterte na ginawa niya ang nasabing bagay para masundan nila ang maayos ang lead dahil may duda na siya na talagang sangkot sa iligal na droga ang naturang police official.

Kasabay nito ay inamin din ng pangulo na siya ang nag-utos kay Presidential Special Assistant Bong Go na tumawag kay Dela Rosa para manatili sa pwesto si Marcos.

Ngayong napatunayan na nila ang pagkakasangkot ni Marcos sa illegal drug trade ay sinabi ni Duterte na bahala na ang dating pinuno ng CIDG Region 8 na ipagtanggol sa mga kaso ang kanyang sarili.

Sina Dela Rosa at Marcos ay muling haharap sa pagdinig ng Senado sa Luneas kaugnay sa illegal drug trade sa bansa.

TAGS: dela rosa, duterte, lacson, Senate, supt. marcos, dela rosa, duterte, lacson, Senate, supt. marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.