Mga labi ng mga nasawi sa Colombia plane crash, iuuwi na

By Kabie Aenlle December 03, 2016 - 05:17 AM

Colombia-Air-Crash-620x413Dose-dosenang mga kabaong na naglalaman ng mga labi ng mga nasawi sa pagbagsak ng eroplanong sinasakyan ng Chapecoense soccer team ng Brazil, ang inihahatid na pauwi sa kanilang bansa.

Matatandaang 71 ang nasawi sa malagim na trahedyang gumulat sa buong mundo, matapos madisgrasya ang sinasakyang eroplano na sinasakyan ng nasabing soccer team nang mag-emergency landing ito dahil sa kawalan ng krudo.

Tanging anim na tao lamang ang nakaligtas, kabilang na ang tatlong miyembro ng soccer team na papunta sana sa Copa Sudamerica final.

Ayon sa Brazilian Air Force, handa nang tumungo ang tatlo nilang Hercules C-130 planes para sunduin ang mga labi ng mga biktima sa Manaus, na nakatakda namang makabalik sa Brazil Sabado ng umaga.

Magkakaroon naman ng funeral services sa Chapeco na hometown ng koponan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.