Biyahe ng LRT, mas pahahabain ngayong holiday season
Mas pahahabain ng private operator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ang biyahe ng mga tren ngayong holiday season para makatulong sa mga commuters at mga motorista.
Ayon sa Light Rail Manila Corp., ang operating hours ng mga tren ay extended hanggang 11pm araw-araw.
Ang nasabing extension ay halos nasa isang oras na dagdag sa weekday operations at isa at kalahating oras naman tuwing weekend.
Magsisimula ang bagong schedule ng mga tren mula December 3 hanggang 24 ngayong taon.
Dagdag pa dito ay may karagdagang pitong biyahe bawat gabi para sa lumalaking demand.
Kaugnay nito, magkakaroon ng mas maraming northbound trains mula sa Baclaran bawat 10 minuto pagkalipas ng 9:30 pm at 15 minuto naman pagkalipas ng 10:00 ng gabi tuwing weekdays habang ang huling byahe naman mula sa Baclaran ay aalis ng 11 pm.
Ang biyahe naman mula sa Roosevelt tuwing weekdays ay madagdagan ng mga southbound trips mula 10 p.m., 10:10 p.m., 10:20 p.m., 10:30 p.m., 10:45 p.m. at 11 p.m. habang ang huling biyahe sa Baclaran at Roosevelt tuwing weekend ay 11 pm.
Sinabi rin ng Light Rail Manila Corp., ay nakapagdagdag na sila ng karagdagang 14 na biyahe sa ay service hours tuwing umaga at gabing operasyon noong Agosto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.