Ang apat na political prisoners na nabigyan ng pardon ay makalalaya na anumang araw

By Chona Yu December 02, 2016 - 07:21 PM

duterte-1130 (1)Pinagkalooban na ng Presidential pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang apat na political prisoners.

Ayon kay Government Chief Negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello III, ito ay sina Martin Villanueva, Bonifacio Suyon, Dindo Absalon at Rico Bodina na pawang mga magsasaka.

Ayon kay Bello, maaring lumaya ang apat ngayong araw o sa Lunes.

Sina Villanueva at Suyom ay na-convict sa kidnapping habang sina Absalon at Bodino ay nakulong dahil sa kasong murder.

Nagsilbi na aniya ang apat ng labingwalo hanggang dalawampu’t anim na taon sa kulungan.

Ayon kay Bello, nairekomenda na ang apat na bigyan ng pardon subalit inupuan lamang ng dating Pangulong Benigno Aquino III.

Dagdag pa ni Bello, may tatlo pang suspected communist rebels ang nakatakdang palayain ng pamahalaan.

Sa ngayon ayon kay Bello, naisumite na ng government peace panel ang listahan ng 200 pang rebeldeng nakakulong na nakatakdang palayain ng pamahalaan.

Pero ayon kay Bello, bibigyang prayoridad ng pamahalaan ang 21 detainees na may sakit.

 

 

TAGS: political detainees, presidential pardon, Rodrigo Duterte, political detainees, presidential pardon, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.