Ping Medina, naghain ng rekamo laban kay Baron Geisler sa PAMI

By Dona Dominguez-Cargullo December 02, 2016 - 05:24 PM

Baron Geisler and Ping MedinaPormal nang ipinagharap ng reklamo ni Ping Medina ang kapwa aktor niya sa pelikulang “Bubog” na si Baron Geisler, matapos siyang ihian nito sa isang eksena na hindi naman kasama sa script.

Kinumpirma ni June Torrejon-Rufino, presidente ng Professional Artists Managers, Inc. (PAMI) na natanggap na nila ang reklamo ni Medina.

Nakatakda aniyang magpatawag ng emergency meeting ang PAMI, para maaksyunan ang reklamo laban kay Baron.

Una nang sinabi ni PAMI member Lolit Solis na sa Sabado magaganap ang pulong.

Ito rin ayon kay Solis ang unang pagkakataon na mayroong artista na nabiktima ni Baron ang naghain ng pormal na reklamo sa PAMI.

Magugunitang naging kontrobersiyal ang ginawa ni Baron na pag-ihi kay Medina, habang kinukunan ang eksena nilang dalawa sa pelikulang “Bubog”.

Nakagapos noon ang paa at kamay ni Medina at may takip pa sa bibig nang siya ay ihian ni Baron.

 

 

 

TAGS: Baron Geisler, Bubog Film, INC, Ping Medina, Professional Artists Managers, Baron Geisler, Bubog Film, INC, Ping Medina, Professional Artists Managers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.