Dalawang Pinoy na mangingisda na nailigtas ng Chinese Coast Guard, susunduin na ng BRP Tubbataha

December 02, 2016 - 04:55 PM

panatag scarboroughNasa pangangalaga na ngayon ng Chinese Coast Guard ang dalawang mangingisdang Pinoy na ang bangka ay lumubog malapit sa Scarborough Shoal.

Ito ang sinabi ni Philippine Coast Guard spokesman Commander Armand Balilo.

Ayon kay Balilo patungo na sa Bajo De Masinloc ang kanilang BRP Tubbataha para sunduin ang dalawang Pinoy na nasa Chinese Coast Guard Ship 3301.

Ang dalawang mangingisda ay kabilang sa mga sakay ng “FB Antalan Tabat” na napaulat na nawawala noong November 21.

Kasunod nito sinabi ni Balilo na sa kabila ng awayan sa teritoryo maasahan ang Chinese Coast Guard sa panahon ng pangangailangan./Jan Escosio

 

 

TAGS: chinese coast guard, scarborough shoal, two filipino fishermen\, chinese coast guard, scarborough shoal, two filipino fishermen\

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.