Pinabulaanan ng business tycoon na si Jack Lam ang alegasyong sinubukan niyang suhulan si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II para sa pagpapalaya sa mahigit 1,000 Chinese nationals na sangkot sa operasyon ng illegal gambling sa Pampanga.
Magugunitang isniwalat ni Aguirre na sa pamamagitan ni Chief Superintendent Wally Sombero, diumano’y tinangka siya suhulan ni Lam na naghahanap ng “ninong” para protektahan ang kanyang negosyo.
Ani Lam sa kanyang pahayag, wala siyang rason para suhulan ang sinuman dahil lehitimo ang kanyang operasyon.
Sinabi ng abogado ni Lam na si Raymond Fortun na ninais ng negosyante na makipagpulong sa kalihim para ipaalam na legal ang kanyang negosyo sa Fontana Leisure Parks and Casino sa Clark, Pampanga.
Itinanggi rin ni Lam na tinangka rin niyang suhulan si Philippine Amusement and Gaming Corporation chairperson Andrea Domingo.
Noong November 24, inaresto ng Bureau of Immigration ang 1,316 Chinese Nationals dahil sa iligal na pagtatrabaho sa Fontana.