WATCH: 1 ang patay sa karambola ng 12 sasakyan sa Lubao Pampanga

By Dona Dominguez-Cargullo, Jan Escosio December 02, 2016 - 01:37 PM

Photo courtesy of Michael Andres Subido
Photo courtesy of Michael Andres Subido

Isang motorista ang nasawi sa karambola na kinasangkutan ng labingdalawang sasakyan sa Lubao, Pampanga.

Photo via Michael Andres Subido
Photo via Michael Andres Subido

Naganap ang aksidente sa southbound lane ng control bridge sa bahagi ng Guyamen River sa Barangay Sta. Cruz, alas 9:30 ng umaga ng Biyernes.

Ayon sa radio operator ng Lubao Police Station, maliban sa isang nasawi na hindi pa nakikilala, mayroon pang mga nasugatan na pawang dinala sa pagamutan.

Inaalam na din kung ano ang naging dahilan ng karambola ng mga sasakyan.

Photo via Michael Andres Subido
Photo via Michael Andres Subido

Ang nasabing aksidente na nakuhanan ng video ng isang residente sa Lubao gamit ang drone ay nagresulta sa ilang oras na pagsasara sa daloy ng traffic sa southbound lane.

 

TAGS: accident, Lubao Pampanga, one dead, accident, Lubao Pampanga, one dead

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.