Bahagi ng Tandang Sora Ave., isasara para sa repair works ng Maynilad; QC govt., nagpa-abiso sa mga motorista
Inabisuhan na ng Quezon City Local Government ang mga motorista sa pagsasara ng bahagi ng Tandang Sora Avenue mula December 5 hanggang December 7.
Ito ay para bigyang-daan ang repair works ng Maynilad na magdudulot din ng water interruption sa labinglimang barangay sa lungsod.
Partikular na isasara sa daloy ng trapiko ang magkabilang lane ng Tandang Sora, pagkalagpas ng Quirino Highway bago sumapit sa General Avenue.
Maaapektuhan ang mga motorista na mula sa Mindanao Avenue patungong Quirino Highway at vice versa.
Sa inilabas na traffic advisory, maaring dumaan ang mga motorista sa Road 20 patungong Mendez Road o vice versa.
Pwede ring gamitin ang bahagi ng Tandang Sora Avenue, kaliwa sa General Avenue, kanan sa Road 20 patungong Mendez Road at pabalik.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.