Pangulong Duterte at US President-elect Donald Trump, mag-uusap mamayang gabi
Mamayang alas 10:30 ng gabi, oras sa Pilipinas, magkakaroon ng congratulatory call si Pangulong Rodrigo Duterte kay US President-elect Donald Trump.
Ito ay base sa inilabas na advisory ng Malakanyang.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, maituturing na “good start” ito sa working relations nina Duterte at Trump sa hinaharap.
Sakali umanong magkaroon ng magandang rapport o magandang diskusyon sina Duterte at Trump, makakatulong umano ito ng malaki sa pagpapatatag ng relasyon ng US at ng Pilipinas.
Tumanggi naman muna si Yasay na idetalye ang mga isyu na maaaring mapag-usapan ng dalawang lider.
Samantala puno naman ang schedule ng pangulo ngayong araw sa Davao City.
Kabilang sa mga nakalinyang schedule ng pangulo ang magkakasunog na pulong kina dating Governor Chavit Singson, MILF Chairman Al Haj Murad, Agriculture Sec. Manny Piñol, Trade Sec. Ramon Lopez, courtesy call ng mga nanalo sa Miss Asia Pacific International 2016, at ang pagdalo niya sa graduation ceremony ng Motorcycle Riding Course.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.