Paglalagay ng istasyon ng militar sa Butig, Lanao del Sur, inirekomenda ng ARMM governor
Inirekomenda ni Autonomous Region in Muslim Mindanao Governor Mujiv Hataman sa Armed Forces of the Philippines ang pagtatalaga ng istasyon ng militar sa Butig, Lanao del Sur.
Aniya, ito ay para mapigilan na ang Maute terror group na makabalik sa lugar.
Dagdag ni Hataman, maaari ring paigtingin ng national government ang mga hakbang nito para sa seguridad at bigyan ng kakayanan ang lokal na pamahalaan na siguruhin ang kaligtasan ng ARMM mula sa bantang terorismo.
Samantala, natapos na ang bakbakan sa pagitan ng militar at ng Maute nang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kasundaluhan sa Lanao del Sur.
Ayon sa tagapagsalita ng militar na si Brigadier-General Resituto Padilla, umatras na ang Maute sa Butig papunta sa mga kabundukan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.