Patay matapos na pagbabarilin ang isang opisyal ng barangay sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.
Najo-jogging lamang si Rodante Sanchez, assistant administrator sa nasabing barangay nang siya ay paputukan ng hindi pa nakilalang suspek.
Ayon sa mga testigo sa lugar, anim na putok ng baril ang kanilang nadinig.
Inaalam pa ng mga tauhan ng Quezon Cityi Police District (QCPD) kung ano ang motibo ng pamamaslang kay Sanchez.
Bilang assistant administrator, kabilang umano sa trabaho ni Sanchez ang asikasuhin ang pabahay at mga isyu ng pagmamay-ari ng lupain sa barangay.
MOST READ
LATEST STORIES