Patay sa wildfire sa Tennessee, umakyat na sa 10

By Dona Dominguez-Cargullo December 02, 2016 - 08:50 AM

Great Smoky Mountains National ParkUmabot na sa sampu ang naitalang nasawi sa sunog na nagaganap sa Great Smoky Mountains National Park sa Tennessee.

Umabot na rin sa mahigit 700 establisyimento ang naabo dahil sa nasabiong sunog kabilang ang mga kabahayan at isang resort sa bayan ng Gatlinburg.

Ayon kay Jessica Gardetto, tagapagsalita ng National Inter-agency Fire Center, ito na ang 2nd highest number of deaths na bunsod ng wildfire sa US, mula nang maganap ang sunog sa Arizona noong 2013 na ikinasawi ng labingsiyam na bumbero.

Nagsimula ang sunog sa parke noon pang nakaraang linggo.

Kumalat na ang sunog sa aabot sa 17,000 acres o 6,880 hectares.

 

 

TAGS: Great Smoky Mountains National Park, Tennessee, Great Smoky Mountains National Park, Tennessee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.