Peru, niyanig ng magnitude 6.3 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo December 02, 2016 - 08:34 AM
Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang Peru malapit sa Lake Titicaca.
Naganap ang pagyanig alas 5:49 ng hapon oras sa Peru.
Ang epicenter ng lindol ay nasa 28 miles sa bayan ng Juliaca at may lalim itong 19.9 miles.
Malapit din ang pagyanig sa border ng Bolivia.
Unang naitala ng US Geological Survey ang lindol sa magnitude 6.2 pero kalaunan ay itinaas ito sa 6.3.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.