Terror Alert Level 3 na nakataas sa bansa, hindi dapat ikabahala ayon sa PNP

By Dona Dominguez-Cargullo December 02, 2016 - 06:46 AM

Kuha ni Louie Ligon
Kuha ni Louie Ligon

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na ang terror alert level 3 na nakataas sa bansa ay hindi pa pinakamataas na terror alert na pinaiiral ng PNP.

Paliwanag ni PNP spokesman, Sr. Supt. Dionardo Carlos mayroon pang terror alert level 4 na ang katumbas ay “severe” at terror alert level 4-B na ang katumbas ay “critical”.

Sa kabila ng pagtaas ng alerto, pinayuhan ng PNP ang publiko na ipagpatuloy lang ang normal na buhay.

Gayunman, patuloy ang apela ng PNP sa publiko na maging mapagmatsag sa mga kahina-hinalang kilos o bagay.

Gagawin aniya ng PNP ang trabaho nito para matiyak ang seguridad ng publiko.

Kahapon nanawagan din si PNP Chief Ronald Dela Rosa sa mamamayan na i-enjoy lang ang Pasko sa kabilang terror alert.

 

 

TAGS: philippines, PNP, terror alert level, philippines, PNP, terror alert level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.