Oil output cut, inaprubahan na ng OPEC; presyo ng langis inaasahang tataas

By Kabie Aenlle December 02, 2016 - 04:29 AM

 

oil-drilling-in-the-middle-eastNagkasundo na ang Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) sa pagpapatupad ng oil output cuts, na magtutulak pataas sa presyo ng krudo ng hanggang 10 percent.

Ito ang kauna-unahan nilang oil output cut mula noong 2008, kasabay ng pagtanggap ng Saudi Arabia sa “big hit” sa kanilang produksyon, dahilan para hilingin sa kalaban nitong Iran ang kanilang output.

Pumayag na rin ang fast-growing producer na Iraq na bawasan ang kanilang hitik na output.

Bagaman hindi kasapi sa OPEC, pumayag rin ang Russia na bawasan ang kanilang output sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 15 taon para matulungan ang mga oil cartel na mapataas ang presyo ng langis.

Ayon kay OPEC watcher Amrita Sen ng Energy Aspects consultancy, ang ginawa ng OPEC ay magpapabilis sa market rebalancing at paghinto sa global oil glut.

Hindi naman naging maganda para sa lahat ang nasabing kasunduan.
Nagdesisyon kasi ang Indonesia, na tanging East Asian member ng OPEC, na suspendehin muna ang kanilang membership dahil hindi sila handang sumunod sa output cuts.

Matapos ang kasunduang ito, umakyat agad ng hanggang sa halos 9 percent ang presyo sa Brent crude na international benchmark para sa presyo ng langis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.