‘Ninong’ ni casino tycoon Jack Lam, dapat mabunyag-Aguirre
Hinihimok ni Justice Secretary Vitaliano Aguire II ang Kamara na alamin kung sino ang umano’y ‘ninong’ o protektor na nagbigay ng pahintulot sa gambling tycoon na si Jack Lam upang makapagpasok ng mga Chinese workers sa bansa para sa kanyang online gaming business.
Matatandaang mahigit sa isanlibong mga Illegal Chinese workers ang inaresto sa Fontana Leisure Park and Casino sa Clark Freeport sa Pampanga kamakailan dahil sa pagtatatrabaho ng walang kaukulang permit.
Isiniwalat ni Aguirre na may isang aide umano ni Lam ang nagtangkang manuhol sa kanya upang palayain ang mga nahuling Chinese.
Bukod dito, hiniling rin ni Aguirre sa Department of Tourism at lokal na pamahalaan ng Pampanga na kasuhan si Lam at obligahin itong bayaran ang bilyun-pisong pagkakautang nito sa royalty fee dahil sa kanyang negosyo.
Panahon na aniya upang ipatupad ang isinasaad ng batas laban kay Lam at obligahin itong magbayad ng tamang mga buwis sa pamahalaan.
Ipinag-utos na rin ni Aguirre na imbestigahan ang ilang mga opisyal ng Bureau of Immigration dahil sa posibilidad na may nag-leak ng raid sa mga manggagawang Chinese dahil marami pa sa mga ito ang nakatakas sa kasagsagan ng operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.