Bagong US ambassador to Manila, dumating na sa bansa
Dumating na sa Pilipinas si US Ambassador-designate to the Philippines Sung Y. Kim, Huwebes ng gabi.
Lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Kim sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 pasado alas-10:00 kagabi.
Ang naturang Korean-American ambassador ang papalit kay Ambassador Philip Goldberg na naging tampulan ng mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte noon.
Nanumpa si Kim sa Washington, D.C. noong November 3, pero opisyal siyang magiging US Ambassador to Philippines oras na magkita na sila ni Pangulong Duterte.
Si Kim ay naging miyembro ng US foreign service, nanungkulan bilang US ambassador to the Republic of Korea mula 2011 hanggang 2014 at bilang envoy na may ranggong ambassador sa Six-Party Talks mula 2008 hanggang 2011.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.