Ayon kay Chief PNP, Ronald dela Rosa, itoy dahil sa usaping pang- seguridad at kaligtasan ni Dayan.
Nauna nang naiulat na mayroon umanong mga umaaligid na mga di-kilalang mga indibidwal sa bisinidad ng Pangansinan PPO o Provincial Police Office kung saan unang dinala si Dayan matapos ang ginawang pagdinig sa Kamara.
Samantala, tumanggi naman si General Dela Rosa na tukuyin kung saan bahagi ng Kampo Crame naka kustodiya si Dayan.
Sa Lunes, inaasahang magkakaharap sa senate hearing sina Dayan at ang sinasabing drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa.
MOST READ
LATEST STORIES