Reinstatment ni Supt. Marvin Marcos, kinuwestyon ng oposisyon sa Kamara

By Isa Avendaño-Umali December 01, 2016 - 09:07 PM

congress1Kinundena ng oposisyon sa Kamara ang reinstatement ni CIDG Region 8 Supt Marvin Marcos sa kabila ng patuloy na imbestigasyon sa pagkakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Giit ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano, isa itong pagsuway sa professionalism sa hanay ng PNP na pagbigyan ni PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa ang reinstatement ni Marcos.

Disyamado rin si Alejano dahil ang naging aksyon ni dela Rosa na pagbigyan ang hiling ng isa umanong kumpare ay taliwas sa ipinagmamalaking slogan ng Duterte administration na “change is coming”.

Dahil dito, malaki ang implikasyon na may basbas mula sa taas ang naging operasyon sa Leyte Provincial Jail na ikinamatay ni Espinosa at ng isang pang inmate.

Nauna nang sinabi ni Senator Leila de Lima na si Bong Go ang tumawag kay General Bato para ibalik sa pwesto sa CIDG Region 8 si Marcos.

Pero agad namang pinabulaanan ni Go at sinabing tsimis lamang ang impormasyon na sinabi ni de Lima.

TAGS: bong go, CIDG Region 8 Supt Marvin Marcos, Leyte Provincial Jail, PNP Chief Ronald Bato dela Rosa, Rep. Gary Alejano, Senator Leila De Lima, bong go, CIDG Region 8 Supt Marvin Marcos, Leyte Provincial Jail, PNP Chief Ronald Bato dela Rosa, Rep. Gary Alejano, Senator Leila De Lima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.