Terror Alert Level 3 posibleng gamitin para gipitin ang mga Anti-Marcos at Duterte groups

By Alvin Barcelona December 01, 2016 - 09:00 PM

Duterte RTVM1Binalaan ng grupong Anakbayan si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit ng banta ng terorismo at sa paglalagay ng Philippine National Police sa bansa sa Terror Alert 3 para gipitin ang nga kalaban nito sa politika at para magdeklara ng Martial Law.

Kaugnay nito, hinikayat ni Anakbayan National Chairperson Vencer Crisostomo ang publiko na magbantay lalo’t itinyempo ito sa magkakasunod na Anti-Marcos at Duterte protest.

Nagpahayag din ng pagkaalarma ang grupo sa mala Marcos na pahayag nito tulad ng bantang pagpatay sa mga human rights advocates, bantang  suspensyon ng writ of habeas corpus at deklarasyon ng batas militar.

Malinaw aniya sa mga banta ni Duterte na role model nito si dating pangulong Ferdinand Marcos.

Dapat din aniyang mag ingat ang mga pilipino sa mga panukala ng pangulo na pagbuhay sa Philippine Constabulary (PC) at Reserve Officers Training Course (ROTC).

TAGS: Anakbayan, Chairperson Vencer Crisostomo, Philippine Constabulary, Philippine National Police, Reserve Officers Training Course, Rodrigo Duterte, Anakbayan, Chairperson Vencer Crisostomo, Philippine Constabulary, Philippine National Police, Reserve Officers Training Course, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.