Pagdedeklara ng terror alert level 3 naayon sa state of emergency

By Chona Yu December 01, 2016 - 06:27 PM

 

Martin-Andanar-file-0711Binigyang katwiran ng Palasyo ng Malakanyang pagtataas ng antas ng seguridad sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, naayon sa bansa ang paglalagay sa terror alert level 3 base na rin sa deklarasyon ng state of national emergency.

Tiniyak naman ni Andanar na hindi makaka-apekto sa normal na takbo ng buhay ng tao ang ginawa ng pulisya na pagtataas ng antas ng seguridad sa bansa.

Nangangahulugan lang naman umano ang pagtataas ng security level na paigtingin pa ang mobile checkpoints, pagpapalakas ng intelligence gathering at law enforcement operations.

Sa gayong paraan ay maaiwasan umano ang kahalintulad na pagtatanim ng pampasabog tulad ng napurnadang pagpapapasabog ng bomba sa lungsod ng Maynila.

 

TAGS: Malakanyang, Martin Andanar, state of national emergency, terror alert level 3, Malakanyang, Martin Andanar, state of national emergency, terror alert level 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.