Dela Rosa, gumanap na Santa Claus para mamigay ng maagang regalo sa mga anak ng drug surrenderees

By Ruel Perez December 01, 2016 - 06:25 PM

bato on santaNagsuot ng Santa Claus costume bilang Santa Chief mismo si PNP Chief Ronald Bato dela Rosa upang mamigay ng maagang papasko sa 120 mga anak ng mga drug surrenderees.

Ayon kay Dela Rosa, layunin ng programa na ipadama sa mga batang anak ng mga drug surenderees ang diwa ng Pasko.

Ani dela Rosa, kahit man lang sa maliit na pamamaraang ito ay maipakita sa mga bata na may mga nagmamalasakit at nagmamahal sa kanila at gustong maging masaya sila sa Paskong ito.

Kasama ni Dela Rosa na gumanap na Santa Claus ang mascot na sina  PO1 Bato at PO1 Mahusay

Samantala, bago ang pamimigay ng mga regalo ay naghandog muna ng puppet show si Bato para sa mga bata.

Ginanap ang pamaskong handog ni Santa Chief sa Atrium Building B ng SM Megamall.

 

 

TAGS: drug surrenderees, Ronald "Bato" Dela Rosa, Santa Claus, sm megamall, drug surrenderees, Ronald "Bato" Dela Rosa, Santa Claus, sm megamall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.