Alegasyon ni Sen. Leila De Lima na si Sec. Bong Go ang nagpadrino kay Col. Marcos, chismis lang

By Chona Yu December 01, 2016 - 06:18 PM

BONG GO-DE LIMAMariing pinabulaanan ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go ang alegasyon ni Senador Leila De Lima na siya umano ang nagpadrino kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na ibalik sa puwesto si Supt. Marvin Marcos bilang Head ng Criminal Investigation and Detection Group Region 8.

Ayon kay Go, pawing chismis at walang walang basehan ang mga alegasyon ni De Lima. Paliwanag pa ni Go, wala siyang matandaan na nagkaroon siya ng pagkakataon na nakaharap o nakilala si Marcos. Giit pa ni Go, hindi niya kilala ng personal si Marcos. Higit sa lahat, sinabi ni Go na hindi siya nakikialam kalakalaran sa hanay ng pambansang pulisya. Matatandaang ang mga tauhan ni Marcos ang nagsagawa ng operasyon sa Baybay Sub Provincial Jail kung saan napatay ang suspected drug lord na si Albuera Mayor Rolando Espinosa.

TAGS: Albuera Mayor Rolando Espinosa, bong go, leila de lima, ronald dela rosa, Supt. Marvin Marcos, Albuera Mayor Rolando Espinosa, bong go, leila de lima, ronald dela rosa, Supt. Marvin Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.