Mga residente sa Butig, Lanao Del Sur hindi muna pinauwi dahil sa mga bomba

By Den Macaranas December 01, 2016 - 03:19 PM

Butig
Inquirer photo

Mananatili pa rin sa mga evacuation centers ang ilang reisdente sa bayan ng Butig, Lanao del Sur kahit idineklara na ng pamahalaan na wala na doon ang mga armadong miyembro ng Maute Terror Group.

Sinabi ni Col. Roseller Murillo, pinuno ng 103rd Brigade ng Philippine Army na maraming mga improvised explosive device at mga booby-traps ang iniwan ng mga bandidong grupo.

Para matiyak ang kaligtasan ng publiko ay nagpasya ang militar na huwag munang pauwiin sa kanilang mga tahanan ang mga apektadong residente sa lugar.

Katuwang ng mga tauhan ng Philippine Army ang mga explosive experts mula sa Philippine National Police sa pag-aalis ng mga pampasabog na nakakalat partikular na sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Butig.

Kaninang umaga ay sinabi ng militar na tuluyan na nilang nabawi ang mga lugar na kinubkob ng mga Maute Group members sa nakalipas na mga araw.

Simula noong nakalipas na Sabado ay umabot sa limampung kasapi ng teroristang grupo ang napatay ng mga tauhan ng militar samantalang nasa labing-dalawang mga sundalo naman ang naiulat na sugatan sa bakbakan.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi na bibigyan ng tulong ng pamahalaan ang mga inilikas na residente sanhi ng naganap na kaguluhan. /

TAGS: AFP, Butig Lanao Del Sur, IED, Maute, AFP, Butig Lanao Del Sur, IED, Maute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.