MMDA at LTO nagsanib ng pwersa kontra sa mga lasing at bangag na mga tsuper
Nagkaisa ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Office (LTO) sa mas mahigpit na implementasyon ng road safety laws lalo na ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act.
Sinabi ni MMDA chairman Thomas Orbos, kung dati ay hiwalay ang pagkilos ng MMDA at LTO ngayon ay magtutulungan na ito para sa mas mahigpit na pagpapatupad nito.
Bukas naman si LTO Chief Edgar Galvante sa paunang pagtatalaga sa 50 MMDA enforcers na maaari nang manghuli ng mga motoristang lumalabag sa batas -trapiko oras na matapos nila ang dalawang linggong training.
Sa ilalim ng naturang batas, maaaring magbayad ng penalty mula P20,000 hanggang P500,000 at hindi bababa sa tatlong buwang pagkakakulong ang mahuhuling nagmamaneho nang lasing o nang nakadroga.
Ang mga otoridad ay gagamit ng breath analyzer para sa nasabing proyekto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.