Dating MRT GM Vitangcol, ipinaaaresto na ng Sandiganbayan

INQUIRER FILE PHOTO | LYN RILLON
INQUIRER FILE PHOTO | LYN RILLON

Ipinag-utos ng Sandiganbayan 6th Division ang pag-aresto kaydating Metro Rail Transit General Manager Al Vitangcol.

Ang arrest warrant ay inilabas ng anti-graft court kaugnay sa mga kasong graft na kinakaharap ni Vitangcol hinggil sa umano ay tangkang pangingikil nito sa Czech company na INEKON Group.

Sa record ng kaso, taong 2012 tinangka umanong mangikil ng aabot sa 30 million dollars ni Vitangcol at isa pang Wilson De Vera sa INEKON kapalit na sa nasabing kumpanya igagawad ang kontrata ng pagsu-suplay ng MRT coaches.

Kasama ding pinaaaresto ng Sandiganbayan si De Vera.

Naganap umano mismo ang extortion attempt sa bahay ni dating Czech Ambassador to the Philippines Josep Rychtar sa Forbes Park Makati noong July 9, 2012.

Pero tinanggihan umano ito ni Ryctar kaya ibinaba ang halagang hinihingi na hindi rin umubra sa nabanggit na kumpanya.

Maari namang magpiyansa si Vitangcol ng P60,000 para sa kaniyang mga kasong graft.

 

Read more...