Dating MRT GM Vitangcol, ipinaaaresto na ng Sandiganbayan
Ipinag-utos ng Sandiganbayan 6th Division ang pag-aresto kaydating Metro Rail Transit General Manager Al Vitangcol.
Ang arrest warrant ay inilabas ng anti-graft court kaugnay sa mga kasong graft na kinakaharap ni Vitangcol hinggil sa umano ay tangkang pangingikil nito sa Czech company na INEKON Group.
Sa record ng kaso, taong 2012 tinangka umanong mangikil ng aabot sa 30 million dollars ni Vitangcol at isa pang Wilson De Vera sa INEKON kapalit na sa nasabing kumpanya igagawad ang kontrata ng pagsu-suplay ng MRT coaches.
Kasama ding pinaaaresto ng Sandiganbayan si De Vera.
Naganap umano mismo ang extortion attempt sa bahay ni dating Czech Ambassador to the Philippines Josep Rychtar sa Forbes Park Makati noong July 9, 2012.
Pero tinanggihan umano ito ni Ryctar kaya ibinaba ang halagang hinihingi na hindi rin umubra sa nabanggit na kumpanya.
Maari namang magpiyansa si Vitangcol ng P60,000 para sa kaniyang mga kasong graft.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.