Nahuling suspek sa bigong pagpapasabog sa Roxas Blvd., umamin sa pagtatanim ng bomba

By Dona Dominguez-Cargullo December 01, 2016 - 11:50 AM

Inquirer Photo | Lyn Rillon
Inquirer Photo | Lyn Rillon

Inamin ng naarestong suspek na nagtanim sila ng bomba sa Roxas Boulevard malapit sa US Embassy noong Lunes.

Sa press conference sa Camp Crame, iniharap ni Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa sa media ang dalawa na sina Rashid Kilala at Jiaher Guinar na kapwa mula sa Marawi City.

Ani Dela Rosa, na isang Toyota Revo ang pinagsakyan nila sa bonba.

Sa ngayon tinutugis pa ng PNP ang tatlo pang kasabwat ng dalawa na maaring nakauwi na umano ng Marawi City.

Ayon kay Dela Rosa, kasapi sila ng Ansar al-Khilafah at kaalyado ng Maute group.

Una umanong inilagay ang IED sa Luneta pero hindi ito sumabog, at pagkatapos ay inilagay naman sa baywalk.

Ang cellphone na dapat gagamiting triggering device ay nasabat mula kay Guinar.

 

 

TAGS: 2 suspects arrested, breaking news in Philippines, foiled bombing in US Embassy, manila, PNP, roxas boulevard, Terrorism, 2 suspects arrested, breaking news in Philippines, foiled bombing in US Embassy, manila, PNP, roxas boulevard, Terrorism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.