Sa kabila ng pagkubkob sa Butig, Maute Group malabo pang makuha ang pagkilala ng ISIS

By Dona Dominguez-Cargullo December 01, 2016 - 09:09 AM

MautePosibleng mabigo pa rin ang Maute Group na makuha ang pagkilala ng ISIS sa kabila ng ilang araw nitong pagkubkob sa bahagi ng bayan ng Butig sa Lanao Del Sur.

Ayon kay International Security Analyst Prof. Rommel Banlaoi, kahit tumagal ng ilang araw ang ginawang aktibidad ng Maute Group, nagawa pa rin naman ng militar na sila ay makontrol.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Banlaoi, na malinaw na ang ginawa ng Maute Group ay para ipakita at patunaan sa ISIS ang kanilang pagsuporta sa nasabing international terrorist group at makakuha ng pagkilala dito.

Pero ani Banlaoi, hanggang sa ngayon, wala pang kinikilala ang ISIS na ka-alyansa sa Southern Philippines dahil wala pang nakakapag-demonstrate ng kakayahan.

Ani Banlaoi, ang Maute Group ay mabilis na nakapagre-recruit ng mga miyembro dahil binibigyan nila ng armas ang mga ito.

Sa ngayon nasa 200 aniya ang miyembro nito na karamihan ay nasa edad 15 hanggang 24.

Nagsimula ang nasabing grupo bilang “Islamic Soldiers of the Mountain” nang sila ay kumalas sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Mayamang pamilya aniya ang Maute at ang kasalukuyang lider sa mga operasyon nito ay ang magkapatid na Abdullah at Omar Maute.

Samantala, sinabi ni Banlaoi na isang napakalaking simbolo ng ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon na pagbisita sa Lanao Del Sur.

Aniya, tanging si Pangulong Duterte ang presidente ng bansa ang nagtungo sa isang area of conflict habang nagpapatuloy pa ang bakbakan.

 

 

 

TAGS: Lanao Del Sur, Maute Group, Rommel Banlaoi, Lanao Del Sur, Maute Group, Rommel Banlaoi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.