Ipatutupad na seguridad sa QC para sa Simbang Gabi, kasado na
Inihahanda na ng Quezon City Police District ang pagpapatupad ng seguridad para sa pagsisimula ng tradisyunal na Simbang Gabi sa December 16.
Ayon kay QCPD Director Sr. Supt. Guillermo Eleazar, mayroong dalawampu’t limang simbahan sa lungsod na taun-taon ay dinadagsa ng publiko.
Sapat ayon kay Eleazar ang nasa 948 na mga pulis na ipakakalat sa mga dinarayong simbahan.
Maliban sa mga simbahan, nakatutok din ang QCPD sa mga mall, istasyon ng bus, MRT at LRT at iba pang mga mahahalagang installation sa lungsod.
Malaki aniya ang maitutulong ng mga bagong mobile patrol cars na donasyon ng Quezon City Government sa kanilang pagpapatrulya.
Aabot sa limampung bagong mobile patrol cars ang ipagkakaloob sa kanila ng lokal na pamahalaan.
Kasabay nito, mananatili ang mga checkpoint sa Quezon City upang matiyak na hindi makakalusot ang mga masasamang loob ngayong kapaskuhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.