Pito na ang patay sa wildfire sa national park sa Tennessee

Great Smoky Mountains National ParkUmabot na sa pito ang nasawi sa wildfire na Great Smoky Mountains National Park sa Tennessee.

Ayon kay Sevier County Mayor Larry Waters, patuloy pang lumalawak ang sunog.

Isang bumbero naman ang nagtamo ng sugat habang rumeresponde sa sunog at umabot na sa 53 katao ang dinala sa LaConte Medical Center.

Ayon sa National Park Service umabot na sa 17,000 acres ang lawak ng napinsala ng wildfire.

Nasa 14,000 na katao na rin ang inilikas mula sa kani-kanilang tahanan.

 

 

 

Read more...