Mga residente sa 53 barangay sa Maynila na apektado ng water interruption, rarasyunan ng tubig simula sa Lunes
Nagsimula ng mag-ikot ang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga barangay na maaapektuhan ng ilang araw na water interruption dahil sa isasagawang pagsaaayos sa linya ng Maynilad.
Ayon kay CDRRMO Chief Johnny Yu, inabisuhan na ang Bureau of Fire Protection (BFP) at mga volunteers para sa magaganap na water interruption upang maging handa sa pagrarasyon ng tubig sa mga maaapektuhang residente.
Magsasagawa ng syncrhonized water distribution ang CDRRMO sa mga lugar na lubhang maapektuhan ng pagkaantala ng suplay ng tubig sa Aug 10 hanggang 13, at Aug 17 hanggang 18.
Ang mga kinatawan ng CDRRMO ay pinaalalahanan na ang mga residenteng apektado ng waterinterruptionn na mag-ipon na ng tubig ngayon pa lamang.
Ang unang araw ng water interruption sa Maynila ay magsisimula ala 1:00 ng hapon sa Lunes, August 10 hanggang alas 2:00 ng madaling araw sa Miyerkules, August 12 o aabot ng 37-oras.
Aabot sa 53 mga barangay ang maapektuhan mula sa Tondo, San Nicolas, Binondo, Port Area, Sta. Cruz, Intramuros, Ermita, Paco, Malate, Sta. Ana. at Pandacan sa Maynila./ Ruel Perez
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.